Lalaki, tinambangan habang naglalakad sa Mandaluyong City

By Cyrille Cupino August 12, 2017 - 05:15 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Koronado St., Brgy. Hulo, Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Pascualito Castaros, 45 anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa ilang nakasaksi, naglalakad lamang ang biktima nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, walang umano itong kaaway, at hindi rin gumagamit ng droga.

Taliwas naman ito sa sinasabi ng mga tauhan ng barangay, at umano’y kasama ang biktima sa kanilang drugs watchlist.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.