Binabantayang LPA ng PAGASA, nalusaw na

Aug 28 LPATuluyan nang nalusaw ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Camarines Norte.

Ayon alas 11:00 ng umaga kanina nang malusaw ang LPA sa bayan ng Daet.

Pero dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) makararanas pa rin ng pag-ulan ang Visayas at Mindanao.

Mula kaninang bago mag alas 10:00 ng umaga, nagtaas na ng mga thunderstorm advisory ang PAGASA sa mga bayan sa Cebu partikular sa Bogo City, Tabogon, San Francisco at Camotes Island; Maasin City, Malitbog, Silago at Hinunangan sa Southern Leyte.

Sa Metro Manila naman, inabisuhan ng PAGASA ang publiko sa mararanasang localized thunderstorm na magdudulot ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Sa ngayon, ayon sa PAGASA wala pa namang sama ng panahon na nakikita papalapit sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na tatlong araw.

Read more...