Ayon kay police spokesman Inspector General Setyo Wasisto, ang naarestong lalaki ay pinaniniwalaang kasapi ng Jemaah Ansharut Daulah (JAD) na nakipag-alyansa sa Islamic State.
Sa text message na natanggap ng Reuters mula kay Wasisto, sinabi nito na nagrerecruite ito ng mga tao para ipadala sa Marawi at posibleng gumagawa ng paraan para makabuo ng pondo para sa recruitment.
Ayon sa mga counter-terrorism authorities sa Indonesia, hindi bababa sa 20 na nakikipaglaban sa militar sa Marawi ay mga Indonesians kasama ang ilang mula sa Malaysia at sa middle East.
Batay din sa ulat ng Institute of Policy Analysis of Conflict na nakabase sa Jakarta, nagsasagawa rin ang mga miyembro ng militanteng Katibah Nusantara ng funding at international recruitments para sa pag-atake Marawi.