Hinihinalang recruiter ng mga terorista sa Marawi, naaresto sa Indonesia

By Rhommel Balasbas August 12, 2017 - 05:15 AM

Naaresto ng Indonesian Police ang hinihinalang fund raiser at recruiter para maging kasapi ng mga militanteng pro-ISIS na kasalukuyang nanggugulo sa Marawi City.

Ayon kay police spokesman Inspector General Setyo Wasisto, ang naarestong lalaki ay pinaniniwalaang kasapi ng Jemaah Ansharut Daulah (JAD) na nakipag-alyansa sa Islamic State.

Sa text message na natanggap ng Reuters mula kay Wasisto, sinabi nito na nagrerecruite ito ng mga tao para ipadala sa Marawi at posibleng gumagawa ng paraan para makabuo ng pondo para sa recruitment.

Ayon sa mga counter-terrorism authorities sa Indonesia, hindi bababa sa 20 na nakikipaglaban sa militar sa Marawi ay mga Indonesians kasama ang ilang mula sa Malaysia at sa middle East.

Batay din sa ulat ng Institute of Policy Analysis of Conflict na nakabase sa Jakarta, nagsasagawa rin ang mga miyembro ng militanteng Katibah Nusantara ng funding at international recruitments para sa pag-atake Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.