Magkapatid na Parojinog, nanawagan ng tulong kay PNP Chief Dela Rosa

By Kabie Aenlle August 12, 2017 - 05:06 AM

Matapos tanggihan ng korte ang kanilang hiling na makapunta sa libing ng kanilang mga magulang, kay Philippine National Police chief Director Gen. Ronald dela Rosa na humingi ng tulong ang magkapatid na sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr.

Nagbigay ng sulat-kamay na liham ang magkapatid na nais nilang ipaabot kay Dela Rosa.

Nakasaad dito na nakikiusap silang mabigyan ng huling pagkakataon para makita ang kanilang mga magulang kahit sa huling lamay.

Tiniyak rin ng magkapatid na hindi totoo ang lumabas na intelligence report na may balak umanong maghiganti ang mga Parojinog sa nangyaring madugong raid na ikinasawi ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

Dagdag ng magkapatid, ito ang pinakamasakit na kabanata sa kanilang buhay.

Iginiit rin ng dalawa na wala silang kapasidad na gumamit ng dahas at na hindi nila kailanman naging ugali ang pagiging marahas.

Sa desisyong inilabas kasi ng korte kahapon, nakasaad na nais lang nilang tiyakin ang seguridad ng magkabilang panig.

Naniniwala kasi ang korte na posibleng magdulot ang presensya ng magkapatid ng pagsiklab ng emosyon na maaring mauwi sa karahasan at bakbakan sa pagitan ng panig ng mga sumusuporta sa pamilya at mga security forces ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.