Nasawi ang tatlo katao, habang 18 naman ang sugatan matapos sumalpok ang isang 12-wheeler truck na naghahakot ng buhangin, sa isang pampasaherong jeep sa Dinalupihan, Bataan.
Kinilala ni Bataan police director Senior Supt. Benjamin Silo Jr. ang mga nasawing biktima na sina Armando Dacayo, Norman Sarmiento at Cynthia Peñaflor.
Ayon sa mga nakakita sa aksidente, may iniwasan o inovertake na sasakyan ang nasabing truck na may plakang UQA 482 na minamaneho ni Raymond Castro.
Dahil dito, napilitan si Castro na pumiit pakaliwa, kung saan nakasalpukan na niya ang pampasaherong jeep na may plakang CWES-372 na minamaneho naman ni Ricky Mangalidan.
Dinala sa ospital ang mga biktima, ngunit ang ilan sa kanila ay idineklara nang dead on arrival tulad ni Dacayo na isa sa mga pasaherong nakaupo sa harap, habang ang iba naman ay dumaan pa sa kritikal na kondisyon.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.