Hiling ng magkapatid na Parojinog na makadalo sa libing ng mga magulang, hindi pinagbigyan ng korte

By Rod Lagusad August 11, 2017 - 07:08 PM

Hindi pinayagan ng Ozamiz City Regional Trial Court ang hiling ng magkapatid na sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Councilor Reynaldo Parojinog Jr. na dalawang araw na furlough.

Ito ay para makadalo sana ang magkapatid sa huling araw ng vigil at libing ng kanyang ama na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., nanay nilang si Susan, tiyuhin na si Octavio at tiyahin na si Monna.

Kasalukuyang nakakulong sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong illegal possession of firearms and drugs ang magkapatid.

Kaugnay nito, nakiramay naman si Executive Judge Edmundo Pintac sa mga akusado ngunit mas binigyang-pansin nito ang seguridad kung bibiyahe ang dalawa pauwi ng Ozamiz.

Iniiwasan aniya na dahil sa presensya ng mga akusado ay magdulot ng gulo mula sa magkabilang panig na siyang maglalagay sa alanganin sa mga ito.

Matatandaang kasama ang magkapatid na Parojinog sa mga naaresto sa isinagawang raid sa compound ng mga ito.

Umabot sa 16 katao ang namatay sa nasabing operasyon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug war, parojinog, Radyo Inquirer, drug war, parojinog, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.