Biyahe ng PNR, sinuspinde matapos ang lindol

Kanselado ang byahe ng PNR train mula Tutuban at mula sa Alabang dahil sa 6.3 magnitude na lindol na tumama sa Nasugbu, Batangas at naramdaman Metro Manila.

Sa abiso ng Philippine National Railways, nagsagawa ng inspeksyon ang kanilang mga tauhan sa mga tulay at riles sa bawat istasyon.

Ito ay upang matiyak umano ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sinabi ng PNR na agad silang maglalabas ng abiso kapag maari nang mag-resume ang biyahe.

 

 

 

Read more...