36 ang patay sa aksidente sa China

Nasawi ang 36 na katao habang sugatan ang 13 iba pa sa aksidenteng naganap sa Shaanxi Province sa China.

Naganap ang aksidente sa Xi’an-Hanzhong Expressway.

Isang bus ang tumama sa pader habang binabaybay ang Qinling tunnel ayon sa public security department ng Shaanxi.

Patungo sa Luoyang City sa Henan Province ang sasakyan galing sa Chengdu City nang maganap ang aksidente.

Ginagamot sa ospital ang mga nasugatan.

 

 

 

 

 

 

Read more...