Kahina-hinalang bag, iniwan sa gusali ng Inquirer sa Makati; bomb squad, rumesponde

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2017 - 08:33 AM

Kuha ni Dona Dominguez-Cargullo

Rumesponde ang bomb squad at mga tauhan ng Makati City Police makaraang matagpuan ang isang inabandonang bagahe sa harap ng gusali nap ag-aari ng Inquirer Group of Companies sa lungsod.

Ang kulay brown na backpack ay natagpuan sa poste malapit sa parking area ng Media Resource Plaza sa Pasong Tirad Street sa Barangay La Paz.

Ang utility na naka-duty ang nakapansin sa iniwang bag at agad nitong ini-report sa mga gwardya ang nakita.

Agad namang tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga gwardya ng gusali.

Nang buksan ng mga rumespondeng bomb squad, pawang personal na gamit lang ang laman ng bag.

Maari umanong may scavenger na nakaiwan nito sa lugar.

Sa nasabing gusali nag-oopisina ang Radyo Inquirer, Inquirer Bandera, Inquirer Libre at iba pang kumpanya na pag-aari ng Inquirer Group.

 

 

 

 

TAGS: bomb scare, Bomb threat, makati city, MRP building, Radyo Inquirer, bomb scare, Bomb threat, makati city, MRP building, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.