Reclamation ng China sa mga pinag-aagawang mga teritoryo, nagpapatuloy
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng China ng reclamation activities nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea kontra sa pahayag ng mga opisyal ng mga nag-aagawang bansa.
Inilabas ng Asia Maritime Transparency Initiative of the Center for Strategic and International Studies (AMTI-CSIS) ang ilang mga satellite photos na nagpapakita ng expansion ng China sa Paracel Islands.
Ang Paracel Islands ay mga islang pinag-aagawan ng Vietnam, Taiwan at China.
Ito ay sa kabila ng mga pahayag nina Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano at Chinese counterpart nito na si Wang Yi sa ASEAN meetings na inihinto na ng bansa ang reclamation activities nito.
Iginiit ng AMTI-CIIS na hindi tumigil ang China sa kalagitnaan ng 2015 sa paggawa ng mga artificial islands.
Matatandaang Pebrero nitong taon ng inireport ng AMTI na nakumpleto na ng China ang bagong helipad at installation ng renewable energy infrastractures tulad ng wind turbines at solar arrays sa Tree Island na nasa Amphitrite Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.