Libing ng mga Parojinog na nasawi sa raid, ipinagpaliban

By Kabie Aenlle August 11, 2017 - 04:13 AM

 

Ipinagpaliban muna ang paglilibing sa mga miyembro ng pamilya Parojinog na napatay sa madugong raid ng mga pulis sa kanilang tahanan sa Ozamiz City.

Ito’y dahil hindi pa naglalabas ng desisyon ang Ozamiz Regional Trial Court branches 15 at 35 kung papayagan ba nila sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid nitong si Reynaldo Jr. na sandaling makalabas upang makapunta sa libing ng kanilang mga magulang.

Matatandaang kabilang sa 16 na mga napatay sa raid noong July 30 ang kanilang ama na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., misis nitong si Susan, at kapatid na si Provinicial Board Member Octavio Parojinog.

Kasalukuyang nakapiit ang makapatid na Parojinog sa Custodial Center ng Camp Crame.

Sa ngayon, hinihintay pa ng kanilang mga kaanak kung mapapayagan ba sila ng korte na makapunta sa libing bago magtakda ng eksaktong araw kung kailan ito gaganapin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.