Lalawigan ng Saranggani niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

By Erwin Aguilon September 02, 2015 - 10:14 AM

Sept 2 Phivolcs saranggano(update) Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Saranggani sa Davao Occidental ngayong umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang pagyanig alas 9:18 ng umaga kanina sa 155 kilometers southwest ng Saranggani.

May lalim ang nasabing lindol na 312 kilometers at tectonic ang origin.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Phivolcs Dir. Renato Soliudm, bagaman malakas ang lindol, hindi ito naramdaman dahil naitala ito sa karagatan at masyado itong malalim.

Hindi rin aniya naging mapaminsala ang pagyanig.. Walang naitalang intensities ang Phivolcs dahil sa nasabing pagyanig. Pero nagbabala ang Phivolcs sa publiko hinggil sa posibleng mga aftershocks.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.