WW II bomb, nadiskubre sa isang nuclear plant sa Japan

By Rhommel Balasbas August 11, 2017 - 04:05 AM

 

Isang bomba na sinasabing ibinagsak noong noong world war 2 sa Japan ang natagpuan sa Fukushima Nuclear Plant.

Ang bomba na may habang 89 sentimetro o 3 talampakan ay natagpuan ng mga construction workers na kasalukuyang gumagawa ng isang car site.

Agad namang sinuspinde ng Tokyo Electric Power Co (Tepco) ang construction work at pansamantalang bumuo ng exclusion zone habang isinasaayos ng bomb disposal experts ang sitwasyon.

Libu-libong residente ang lumikas sa nasabing lugar sa Fukushima noong 2011 dahil na rin sa isang reactor meltdown matapos ang paglindol at pagragasa ng tsunami.

Ito ang itinuturing na pinakamalala at pinakaseryosong nuclear accident sa buong mundo matapos ang nangyari sa Chernobyl noong 1986.

Kaya’t seryosong bagay ang pagkakatagpo sa nasabing bomba dahil ang mga ganitong pagsabog ay maaring magresulta muli sa isang meltdown.

Ang Fukushima ay dating kinalalagyan ng isang military base.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.