Honasan itinanggi na sangkot siya sa pork barrel scam

By Ruel Perez August 10, 2017 - 04:11 PM

Iginiit ni Sen. Gringo Honasan na inosente sya sa mga kasong isinampa sa kanya may kinalaman sa PDAF scam

Sa isang text message sinabi ni Honasan na sa buong buhay niya ay ipinaglaban niya ang mga maling akusasyon laban sa kanya.

Giit ng senador, ngayong mayroon lumabas na warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kanya hinggil sa kasong graft may kaugnayan sa PDAF scam ay ipagpapatuloy nya umano na ipaglaban ang katotohanan.

Nagpalabas ngayong hapon ang Second Division ng Sandiganbayan ang warrant para arestuhin si Honasan at anim na iba pang mga sangkot sa umano’y maanomalyang paggamit sa Priority Development Assistrance Fund (PDAF).

“I’am completely innocent of the charges against me. all my life i have fought everything i am accused of, and i will continue to do so”, ayon sa text message ng mambabatas.

TAGS: graft, gringo honasan, PDAF, Pork scam, graft, gringo honasan, PDAF, Pork scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.