Mga manggagawa sa isang ice plant sa QC, nahilo at nanakit ang dibdib dahil sa chemical leak

By Dona Dominguez-Cargullo August 10, 2017 - 11:49 AM

Dumaing ng pagkahilo at pananakit ng dibdib ang mga empleyado ng isang ice plant sa Quezon City.

Ito ay makaraang makaamoy umano sila ammonia, matapos ang hinihinalang insidente ng chemical leak sa planta sa bahagi ng Barangay South Triangle sa kanto ng Timog at Sgt. Esguerra.

Ayon sa isa sa mga empleyado na si Bryan Bismonte, nagmula ang leak sa isa nilang makina.

Agad umano nilang pinatay ang makina nang matuklasan ang leak at mabilis din nilang nilisan ang planta.

Ayon naman kay Fire Officer 3 Jayrald Jornales ng Quezon City Bureau of Fire Protection Quezon City, agad silang gumamit ng blower para maibsan ang amoy ng kemikal.

Hindi muna ipagagamit ang ice machine na pinagmulan ng leak habang isinasagawa ang imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: chemical leak, ice plant, metro news, quezon city, Radyo Inquirer, chemical leak, ice plant, metro news, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.