Mga residente sa Guam nag-aalala pero hindi nagpa-panic sa banta ng NoKor
Walang pagpapanic na nagaganap ngayon sa Guam matapos ang banta ng North Korea na maglulunsad ng missile attack at tatargetin ang mga military bases ng U.S doon.
Ayon kay Guam Gov. Eddie Calvo, mayroong 160,000 na katao sa Guam na pawang American citizens ang nakararami.
Bagaman nag-aalala aniya, hindi naman nagresulta ng panic ang nasabing babala ng NoKor.
Pinayuhan din ni Calvo ang mga mamamayan sa Guam na panatilihing normal ang kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Dagdag pa ng gobernador, tama lamang si U.S. President Donald Trump nang magbitiw ito ng matinding pagbabanta sa North Korea.
Una nang sinabi ni Trump na sinomang umatake sa U.S ay “fire and fury” ang kakaharapin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.