Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

Ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kinansela ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang flight 2P 2094 Manila to Basco at flight 2P 2085 Basco to Manila ng PAL Express.

It ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan ngayon sa Basco, Batanes.

Ang mga apektadong pasahero ay pinayuhan ng MIAA na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Sa weather advisory ng PAGASA, ridge of high pressure area ang umiiral sa Luzon at Visayas.

Dahil dito makararanas mahina hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan na mayroong malakas na hangin at pagkulog at pagkidlat ang buong bansa.

 

 

 

 

 

 

Read more...