Lila, Bohol, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo August 10, 2017 - 10:13 AM

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Lila sa lalawigan ng Bohol, Huwebes ng umaga.

Naitala ang pagyanig alas 8:43 ng umaga sa 2 kilometers East ng Lila.

May lalim na 521 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershocks ang pinsala ang nasabing pagyanig.

Unang iniulat ng Phivolcs na magnitude 5.6 ang lakas ng lindol at sa Dimiao, Bohol ito tumama.

Pero kalaunan ay nagpalabas ng updated information ang Phivolcs at ibinaba ang magnitude sa 5.4 at binago rin ang epicenter ng lindol.

 

 

 

 

TAGS: earthquake, lila bohol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, earthquake, lila bohol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.