P12M halaga ng shabu, nasabat sa isang babaeng estudyante sa Cebu City

Photo: Cebu Daily News

Mahigit P12 milyon halaga ng shabu ang nakuha mula sa isang babaeng college student at isa pa niyang kasamahan sa isinagawang operasyon sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Mheacy Empasis, 23-anyos na Education student at 46-anyos na si Trinindad Lumactud.

Nadakip ang dalawa sa Barangay Tisa matapos isailalim sa surveillance ng mahigit sa dalawang buwan.

Nakuha mula sa dalawang babaeng suspek ang 1,075 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P12.6 million.

Ayon kay Chief Insp. Christopher Navida, pinuno ng City Intelligence Branch, si Empasis ay mayroong kuneksyon sa isang preso sa Cebu City Jail.

Tinaguriang Level 2 drug pusher sa lungsod si Empasis ayon kay Navida.
Habang si Lumactud ay kaniyang kasabwat.

 

 

 

 

Read more...