WATCH: Pagkaladkad ng isang van sa motorsiklo sa Makati, huli sa CCTV

Kuha ni Cyrille Cupino

Sugatan ang isang lalaki matapos kuyugin ng taumbayan sa Arellano St., Brgy. Palanan, Makati City.

Si Michael Lastimas, 27-anyos ang nagmamaneho ng isang Toyota Grandia na may conduction sticker na YV 5421 na nakita sa CCTV na sumagasa at kumaladkad sa isang motorsiklo na lulan ang isang 17-anyos na binate.

Dahil sa ginawa ni Lastimas, kinuyog ito ng mga residente at binugbog.

Kwento ng binata, naka-istambay lang siya sa kanto ng Kalayaan at Pasong Tirad habang naka-upo sa motorsiklo nang bigla siyang salpukin ng rumaragasang van.

Narito ang report ni Cyrille Cupino:

 

 

 

Read more...