Biyahe ng MRT maagang nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz August 10, 2017 - 06:24 AM

Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ang mga pasahero.

Alas 5:20 ng umaga, pinababa ang mga pasahero ng MRT sa Quezon Avenue Station southbound.

Sa abiso ng MRT, nagkaroon ng technical problem ang isa nilang tren kaya itinaas sa category 3 ang status ng biyahe.

Ang mga apektadong pasahero, pinasakay na lamang sa kasunod na tren.

Kahapon, apat na beses na nakaranas ng aberya sa biyahe ng MRT sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.

 

 

 

 

 

TAGS: Metro Manila, mrt3, Radyo Inquirer, railway, technical problem, train system, transportation, Metro Manila, mrt3, Radyo Inquirer, railway, technical problem, train system, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.