Problema sa droga, hindi kakayanin sa isang termino ng pangulo-Duterte

By Kabie Aenlle August 10, 2017 - 04:31 AM

 

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na sa tindi ng problema sa iligal na droga sa bansa, hindi ito kayang solusyunan ng isang pangulo sa loob lamang ng isang termino.

Giit pa ni Duterte, mas matindi pa nga ang sitwasyon ng problema sa iligal na droga sa Estados Unidos.

Matatandaang ang pangunahing isinusulong ni Duterte mula pa lang sa kaniyang kampanya ay ang gawing drug-free ang Pilipinas.

Gayunman, napagtanto niya lang ang totoong laki ng problemang ito nang manungkulan na siya sa pamahalaan.

Dito niya kasi napag-alaman na kahit sa kaibuturan ng mga ahensya ng pamahalaan ay may mga nasasangkot rin sa iligal na aktibidad.

Aniya pa sa sitwasyon ng Amerika, “useless war” na ang patuloy na sinasabak nito dahil hindi natatapos ang kanilang problema sapagkat mga kalapit-bansa rin nila ang nagsu-supply mismo ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.