Hearing sa P6.4 bilyong pisong shabu sa Kamara, umabot ng halos 12-oras

By Erwin Aguilon August 10, 2017 - 03:25 AM

 

Makalipas ang mahigit 11 oras, natapos na rin ang pagdinig ng House Ways and Means Committee ng Kamara kaugnay sa paglusot ng mahigit sa anim na bilyong pisong halaga ng droga sa Bureau of Customs.

Dakong ala-1:25 ng madaling araw nagtapos ang pagdinig na nagsimula Miyerkules ng hapon.

Sa kasagsagan ng pagdinig, kinumpirma ni Customs Intelligence Director Neil Estrella na naghain siya ng courtesy resignation dalawang araw na ang nakalilipas.

Una na ring naghain ng kanyang resignation si BOC Import Assessment
Milo Maestrecampo matapos madawit sa naturang kontrobersiya na mariing itinanggi nito.

Sa pagtatnaong ng ilang mambabatas, naungkat ang ilang katanungan sa paraan ng pagsasagawa ng raid sa bodega sa Valenzuela City kung saan natagpuan ang bilyon pisong halaga ng shabu.

 

Kinwestyon rin kung bakit hind nagkaroon ng koordinasyon sa lokal na pulisya sa naturang raid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.