Duterte, handang mag-resign kung mapapatunayan ang alegasyon kay Vice Mayor Paolo Duterte

 

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na bitiwan ang puwesto ng pagkapangulo kung mapapatunayan ng sinuman na sangkot ang kanyang anak na si Davao City vice mayor Paolo Duterte sa droga.

Sa isang business forum sa Mandaluyong City kahapon, muling inulit ng pangulo ang kanyang pahayag na siya’y bababa sa puwesto kung mapapatunayang sangkot sa anumang uri ng korupsyon ang sinuman sa kanyang anak.

Matatandaang una nang isinangkot ng customs broker na si Mark Taguba ang pangalan ni vice mayor Paolo Duterte sa pagdinig ng Kamara sa paglusot ng bilyong pisong halaga ng shabu sa BOC.

Gayunman, inamin nito na pawang tsismis lamang ang kanyang naririnig ukol sa nakababatang Duterte at wala siyang katibayan ukol dito.

Ipinagkibit-balikat lang naman ni Paolo Duterte ang pahayag ni Taguba.

Paliwanag ng bise-alkalde, maging si Taguba ay inamin na tsismis lamang ang kanyang sinabi kaya’t hindi ito karapat-dapat pang sagutin.

Read more...