Halaga ng piso kontrta dolyar babagsak pa sa buwan ng Disyembre

PSE
File Photo

Bago matapos ang taong 2015, aabot na sa 47 ang halaga ng piso kontra dolyar.

Sa report ng American think-tank na Capital Economics, ang mababang halaga ng piso ay maaring tumagal hanggang sa 2017.

Sinabi rin sa report na posibleng itaas ng US Federal Reserve ang interest rate nito simula ngayong buwan. Maituturing itong kauna-unahang paghihigpit ng US federal Reserve sa kanilang policy setting sa nakalipas na halos sampung taon.

Ito ay dahil sa pagbaba ng currencies sa Asya na resulta ng nararanasang financial tremors matapos magpasya ang China sa pag-devalue ng kanilang yuan. “The market turmoil sent foreign investors scrambling for the exit,” ayon sa think tank na Capital Economics.

Dahil sa patuloy na paghina ng piso, sinabi sa report ng Capital Economics na aabot sa mahigit isang milyong Pinoy mula sa mga kumpanya na nasa business process outsourcing (BPO) sector ang maaapektuhan ng paghina ng piso.

Gayunman, nakasaad din sa report na ang pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay inaasahang makikinabang sa paghina ng piso kontra sa dolyar.

Inaasahang aabot sa $25 billion ang maipadadalang remittances ng mga OFWs sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas ngayong 2015.

Read more...