2 patay sa drug operations sa Caloocan

 

Muli na namang napa-engkwentro ang mga pulis ng PCP-3 ng Northern Caloocan matapos na tumugon sa sumbong na may nagbebentahan ng shabu sa Phase 8, Package 4, Blk-11 Lot-66, Brgy 176, Bagong Silang Caloocan City.

Pinangunahan ni Chief Insp. Ronald Cayago ang grupo ng mga mga pulis na nagpunta sa lugar.

Pero pagdating ng mga ito, nakita sila ng look-out na si Yul Retonal na armado ng baril, agad itong tumakbo at pinaputukan ang mga pulis.

Hinabol naman ito ng mga pulis hanggang sa mapatay ang suspek.

Habang ang isang suspek ay nasa loob ng bahay na kinilalang si Teofisto Trinidad, pagpasok sa loob ng mga pulis bigla nitong inundayan ng saksak ang operatiba kaya napilitan nilang barilan si Trinidad na agad nitong ikinamatay.

Nakuha sa pangangalaga ng mga nasawing suspect ang isang caliber .38 revolver, isang patalim, at ilang sachet ng shabu.

Read more...