Tinatayang nasa P500 bilyon na ang halaga ng kita na nalugi sa kalakalan ng iligal na droga mula nang simulan ng administrasyong Duterte ang kampanya nito laban sa iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, ang halaga na ito ay base sa kasalukuyang presyo ng bawat gramo ng shabu na P5,000.
Sa tantya ng PNP, tinatayang aabot sa 200 miligrams ng droga ang kinokonsumo ng bawat isa sa 1,309,776 na sumukong drug users sa mga otoridad.
Kung susumahin, aabot sa 85,589 kilos ang kabuuang dami ng iligal na droga na hindi nila nakonsumo.
Ayon pa kay Dela Rosa, hindi bababa sa 3,000 ang napatay sa mga anti-drug operations ng pulisya noong nakaraang taon.
Mula July 1, 2016, umabot sa 64,527 ang isinagawang operasyon ng pulisya kontra iligal na droga, na nauwi sa pagkakaaresto sa 86,030 na mga drug personalities, at 3,522 na mga high profile targets.
Umabot naman sa 141 na high-value targets ang napatay sa mga nasabing operasyon.
Kung may mga napatay na drug personalities, may 65 na pulis rin aniya na nasawi sa mga nasabing operasyon, habang 170 naman ang nasugatan.
Ani Dela Rosa, pananatilihin nila ang magandang resultang kanilang nakamit mula sa Day 1 ng kampanya ng administrasyon upang maging drug-free ang Pilipinas.