Transport group, hihirit na gawing P9.00 ang minimum fare sa jeep

By Jay Dones August 10, 2017 - 04:29 AM

 

Hihirit ang grupong PCDO-ACTO ng dagdag sa singil sa pasahe sa mga pampublikong sasayan dahil sa pagtaas umano ng presyo ng mga produktong petrolyo, partikular na ng diesel.

Ayon kay Efren De Luna, pangulo ng grupo, maghahain sila ng petisyon sa LTFRB sa susunod na Linggo, upang hilingin sa ahensya nag awing P9.00 ang minimum fare sa mga jeep.

Paliwanag ni De Luna, halos wala nang kinikita ang mga jeepney driver dahil bukod sa mataas na presyo ng diesel, matindi rin ang trapiko sa mga lansangan kaya’t nababawasan ang pasada ng mga ito.

Sa kasalukuyan, nasa otso pesos ang minimum na pasahe sa mga pampublikong jeepney.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.