Nag-alok ang Pangulong Rodrigo Duterte ng pabuya na P2 Million para sa bawa’t pulis na sangkot sa mass killings na umano’y kagagawan ng napatay na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Sa talumpati ng pangulo sa 116th Police Service Anniversary sa Camp Crame ay sinabi nito na kasama ng ng mga Parojinog ang ilang pulis sa mga iligal na gawain nito kabilang na ang pagpatay at paglilibing sa mga pinapatay nitong mga sibilyan.
Nauna nang sinabi ni Duterte na nasa likod siya ng PNP basta’t laban sa kriminalidad ang kanilang aatupagin pero ibang usapan na kapag sila ang nasangkot sa mga iligal na gawain.
Dead or alive ayon sa pangulo ang usapan laban sa mga pulis na may kaugnayan sa mga Parojinog at may kinalaman sa mass grave na nadiskubre sa Brgy. Cogon sa Ozamis City.
Pagtiyak ng Pangulo, mananagot ang mga tiwaling miyembro ng PNP at kanyang pupuntahan ang Ozamis City sa araw na hindi niya ipapaalam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.