Richard Chen at Manny Li inihatid na sa kanilang kulungan sa Senado

Inquirer file photo

Inihatid na ng Senate sergeant-at-arms sina Richard Tan at Manny Li sa pansamantala nilang piitan sa loob ng gusali ng Senado.

Ito ay matapos nga na ipag-utos na ma-cite for contempt sina Li at Chen dahil sa pabago bagong testimonya ng mga ito sa usapin ng shipment ng higit P6.4 Billion na halaga ng shabu mula sa Bureau of Customs (BOC).

Natapos ang pagdinig pasado alas-tres ng hapon at muling ipagpapatuloy sa August 15 ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Samantala ipinag-utos din ni Sen. Gordon na irequest sa Bureau of Immigration na magpalabas ng hold departure order laban sa lahat ng mga isinasangkot sa ilegal na shipment ng lampas kalahating tonelada ng shabu sa BOC.

Kaugnay nito pinayuhan naman si Sen. Ping Lacson sina Tan at Li na habang nakapiit sa Senado ay magmuni-muni at inguso ang mga principal o utak sa nabanggit na shipment ng ilegal na droga baka sakaling mag-qualify ang mga ito bilang mga state witness.

Tumagal nang halos anim na oras ang pagdinig ng komite at isa sa nagpatagal ang pangangailangan na itranslate pa ng interpreter ang tanong ng mga senador at sagot ni Chen sa mga katanungan.

Nauna nang sinabi ni Manny Li na hindi siya marunong magsalita ng wikang Filipino at English.

Read more...