Caretaker ng bodega na nakunan ng shabu mula sa BOC kinasuhan na

By Erwin Aguilon August 09, 2017 - 08:25 PM

Photo; Radyo Inquirer

Humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Ways and Means ang caretaker ng warehouse sa Valenzuela City na nakuhanan ng nakapuslit na shabu na mula sa Bureau of Customs na si Fidel Anoche Dee.

Emosyonal sa kanyang pagharap si Dee habang inihahayag na siya at ang kanyang kinakasama ay mahirap lamang at sa katunayan ay benipersaryo pa nga ng 4Ps ng pamahalaan at ngayon ay nakakulong at nahaharap sa mabigat na kasong hindi niya ginawa.

Sinabi nito na kung alam niya na may shabu doon ay nagsumbong na sana siya sa PDEA at nakakuha pa siya ng reward.

Ayon kay dee, isang Jhu Ming Joo na isang Taiwanese national ang nagpapasweldo sa kanya bilang caretaker at ang inuupahan nito ay ang bahay ng kanyang kapatid na si Emily na ginawang warehouse.

Isinalaysay nito na apat na shipment ang dumating sa kanilang warehouse na nangyari noong June 2016 at January 2017 na ang laman ay magkakaparehong cylinders.

Sampung maliliit na kahon naman ang dumating noong March 2017 habang isang crate naman noong May 26, 2017.

Dumating si Dee na Kamara na guwardiyado ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt, naka-bulletproof vest at naka posas.

TAGS: BOC, shabu, Valenzuela City, BOC, shabu, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.