Tandag, Surigao Del Sur, niyanig ng lindol

August 09, 2017 - 12:27 PM

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Tandag sa Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 37 kilometers West ng Tandag alas 11:09 ng umaga ng Miyerkules, August 9.

May lalim na 30 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang intensity 4 Tandag City; intensity 3 sa Butuan City; intensity 2 sa Bislig City; Surigao City; Gingoog City; at La Paz, Agusan Del Sur; intensity 1 sa Balingasag, Lagonglong at Jasaan Misamis Oriental.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks na maidudulot ang lindol.

Unang iniulat ng Phivolcs na magnitude 4.6 ang lindol pero kalaunan ay itinaas sa 4.8 ang magnitude nito.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, tandag surigao del sur, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, tandag surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.