Kopya ng impeachment complaint, ipinadala sa kampo ni Comelec Chairman Bautista
Pinagbabantaan na umano ang kampo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa impeachment complaint na maari niyang kaharapin.
Ayon kay Bautista, mayroong kopya ng impeachment complaint na ipinadala sa kaniya at ito ay bahagi umano ng panggigipit sa kaniya para mapilitan siyang bayaran na ang hinihinging halaga ng misis na si Patricia.
Isang Ivan Lu aniya ang nagpadala ng kopya ng impeachment complaint noong June 28, 2017 at ipinadala ito sa kapatid na babae ni Chairman Bautista, kaniyang biyenan na babae at maging sa kaniyang pinsan.
Mistula aniyang pagbabanta iyon na kung hindi niya ibibigay ang pera na hinihingi ng misis ay ipapa-impeach.
Malinaw ayon kay Bautista na ang motibo sa likod ng mga akusasyon laban sa kaniya ay pera.
Dagdag pa ni Bautista, November 2016 pa nang nakawin sa kaniya ang mga dokumento subalit nagtataka siya kung bakit ngayon lang inilabas.
Una nang sinabi ni Bautista na sa mga susunod na mga araw ay maglalabas siya ng mga ebidensya upang mapatunayan na ang mga akusasyon ay bahagi lamang ng panggigipit at pangingikil sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.