Mga dokumentong hawak ni Patricia Bautista, walang bahid na pineke ayon sa kaniyang abogado

INQUIRER PHOTO | LYN RILLON

Walang senyales na pineke ang mga dokumento na hawak ni Patricia Bautista laban sa kaniyang mister na si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Robert Beltejar, abogado ni Patricia na nagulat sila nang makita ang mga dokumento na nagsasaad ng mga yaman ng chairman ng poll body.

Totoong-totoo aniya ang itsura ng checkbooks at passbooks at walang magsususpetsa na ito ay tampered gaya ng iginigiit ni Bautista.

Dagdag pa ni Beltejar, nang masuri nila ang mga bank accounts at iba pang dokumento na hawak ni Patricia, doon nila napatunayan na ang sigalot ay hindi simpleng awa mag-asawa lamang.

“Nagulat kami nung dinala sa amin ang document, kapag nakita mo ang checkbook, passbook totoong-totoo ang itsura, hindi ka magsususpetsa na tinamper gaya ng sinasabi ni Chairman Bautista. Doon namin naisip na hindi lang ito simpleng problemang mag-asawa, it goes well beyond that,” ayon kay Beltejar.

Sa laki ng mga pera at sa dami ng bank accounts, sinabi ng abogado na talagang nakapagtataka kung saan nagmula ang mga pera ni Bautista.

Sinabi ni Beltejar na naging pabaya si Bautista nang hindi nito iningatan ang mga dokumento kaya natuklasan ng misis.

Aminado naman si Bautista na ilan sa mga accounts ay naka and/or o hindi lang sa Comelec chairman nakapangalan.

Una nang sinabi ni Chairman Bautista na ang mga tinutukoy na yaman at accounts ay pag-aari din ng kaniyang magulang at kaniyang mga kapatid.

 

 

 

 

 

Read more...