Grade 9 student, arestado matapos i-post sa FB ang nakaw na motorsiklo

August 09, 2017 - 09:47 AM

Inaresto ng mga otoridad sa Zamboanga Del Sur ang isang grade 9 student matapos nitong i-post sa kaniyang Facebook account ang larawan ng nakaw na motorsiklo.

Nagreklamo sa Pagadian City Police Station ang biktimang si Russel Endonto, 22-anyos noong Biyernes matapos na matuklasan na nawawala ang kaniyang motorsiklo na ipinarada niya sa labas ng isang restaurant sa lungsod.

Nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis noong araw na iyon, nabigo silang mahanap ang motosiklo ni Endonto.

Pero makalipas ang ilang araw, bumalik si Endonto sa istasyon ng pulis at sinabing nakita sa Facebook ang larawan ng motorsiklo.

Nagkataon kasi na ang biktima at ang suspek na menor de edad ay mayroong mutual friend sa Facebook.

Agad nagtungo ang mga pulis sa bayan ng Tukuran at doon nahuling minamaneho pa ng estudyante ang motorsiklo.

Itinanggi naman ng suspek na ninakaw niya ang sasakyan at sinabing bigay sa kaniya iyon ng kaniyang gay friend.

Sasampahan ng reklamong pagnanakaw ang suspek at pagkatapos ay dadalhin sa social welfare office ng Pagadian City.

 

 

 

 

 

TAGS: Pagadian City, Radyo Inquirer, stolen motorcycle posted in FB, Pagadian City, Radyo Inquirer, stolen motorcycle posted in FB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.