LOOK: Maraming barangay sa Las Piñas, Parañaque at Pasay, 10-oras mawawalan ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2017 - 07:56 AM

Maynilad Advisory

Maraming mga barangay sa lungsod ng Las Piñas, Parañaque at Pasay ang mawawalan ng suplay ng tubig simula Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga.

Sa abiso ng Maynilad, magsasagawa sila ng maintenance activity sa kanilang Pasay pumping station.

Dahil dito, makakaranas ng pansamantalang paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig mula alas 9:00 ng gabi ng August 9 hanggang alas 7:00 ng umaga ng August 10 ang mga sumusunod na barangay:

LAS PIÑAS CITY:
CAA
D. Fajardo
E. Aldana
Ilaya
Manuyo Dos
Manuyo Uno

PARAÑAQUE CITY:
Baclaran
BF Homes
Don Galo
La Huerta
Moonwalk
San Dionisio
San Isidro
Sto. Niño
Tambo

PASAY CITY:
10-13
24-32
38-40
76-79
145-179
181
183-200

Ang mga residente sa nabanggit na mga barangay ay pinayuhan ng Maynilad na magsimula nang mag-ipon ng tubig.

Pinaalala din ng Maynilad na maaari pang magkaroon ng delay sa panunumbalik ng water supply, depende sa taas ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit tubig ng tubig.

 

 

 

 

 

TAGS: las pinas, maynilad, Paranaque, Pasay, service interruption, water interruption, las pinas, maynilad, Paranaque, Pasay, service interruption, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.