2 patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa QC at Caloocan

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay matapos tambangan ng riding in tandem sa Commonwealth, Quezon City ang biktimang si Junjun Gadia, 23-anyos.

Ayon sa ina ng biktima na si Shila Gadia, special child ang kaniyang anak kaya blangko sila kung bakit ito pinatay.

Sinabi ng ginang na imposible umano na masangkot sa anomang kaso ang kaniyang anak na may problema sa pag-iisip.

Mariin ding itinanggi ng nanay ng biktima na sangkot ito sa bawal na gamot gaya ng karamihan na napapatay sa gabi.

Pero ayon sa mga otoridad mula sa Brgy. Commonwealth, may kaso ng pagnanakaw ang biktima.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) hingil sa motibo sa pamamaslang.

Sa Caloocan naman, tinambangan din ang isang 58-anyos na lalaki sa barangay 176 Bagong Silang.

Nagsasara lamang ng pintuan sa pinapaupahang apartment ang biktima na si Augusto Teleg Ogie, ng sya ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na galing sa itaas ng tatlong palapag na apartment building ang bumaril sa biktima.

Dalawa ang tintignang anggulo sa pamamaslang, kabilang ang kinasangkutan na away ni Ogie kahapon at ang anggulong may kinalaman sa droga.

Sa record ng Barangay 176, ilang buwan ding sumailalim sa drug rehabilitation ang biktima dahil sa paggamit niya ng ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...