North Korea, haharap sa ‘galit at apoy na hindi pa nakikita ng mundo’ kung patuloy na pagbabantaan ang Amerika-Trump

By Jay Dones August 09, 2017 - 04:14 AM

 

Binalaan ni US President Donald Trump ang North Korea na itigil ang pagbibitiw ng mga pagbabanta sa Amerika at kung hindi, ay haharapin nito ang ‘matinding galit at apoy na hindi pa nakikita ng buong mundo.’

Binitiwan ni Trump ang kanyang babala sa North Korea sa sa harap ng mga mamamahayag habang ito’y nagbabakasyon sa Bedminster, New Jersey.

“North Korea best not make any more threats to the US. They will be met with the fire and fury like the world has never seen. He has been very threatening beyond a normal state.” Mensahe ni Trump na tinutukoy si North Korean leader Kim Jong Un.

Una rito, makailang ulit na nagbitiw ng mga pahayag ang Pyongyang nitong nakalipas na araw na nagbabanta laban sa Amerika.

Nagbabala rin ito na gagamit ng ‘nuclear weapon’ kung patuloy na sisikilin ng Amerika at ng ibang bansa ang kanilang weapons program.

Noong nakaraang buwan, dalawang intercontinental ballistic missile ang pinalipad ng North Korea.

Dahil dito, nagpasya ang UN Security Council na magpatupad ng ‘sanctions’ laban sa Pyongyang na magreresulta upang mabawasan ng hanggang isang bilyong dolyar ang kanilang taunang foreign revenue.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.