Kabataan PL, dismayado sa hindi pagiging handa ng gobyerno sa free tuition

By Kabie Aenlle August 09, 2017 - 04:07 AM

 

Dismayado si Kabataan Rep. Sarah Elago sa pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya alam kung paano o saan kukuhanin ang pondo para sa libreng matrikula sa mga state universities and colleges.

Matapos kasing lumagda, sinabi ni Pangulong Duterte na ikokonsulta niya pa sa kung paano makakapaglaan ng pondo ang pamahalaan para dito.

Ayon kay Elago, desperado lang talaga ang pangulo na pakalmahin ang mga galit na kabataan nang isabatas niya ang nasabing panukala.

Sa kabila nito, sinabi ni Elago na wala talagang pakialam si Duterte sa kapakanan ng mga kabataan.

Hindi naman na ito ipinagtaka ni Elago dahil si Duterte rin ang pangulo na nag-utos na bombahin ang mga paaralan ng mga Lumad sa Mindanao.

Giit ng mambabatas, hindi naman ito usapin ng pondo kundi ng priorities dahil madali namang maglaan ng pondo upang maipatupad ang libreng edukasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.