4 sugatan sa pag-araro ng truck sa 2 bahay sa Catbalogan City

By Kabie Aenlle August 09, 2017 - 04:06 AM

 

Sugatan ang apat katao matapos araruhin ng isang truck na may dalang graba at buhangin ang dalawang tahanan sa Barangay Maulong, Catbalogan City sa Samar.

Nakilala ang mga sugatan na sina Oscar Pelardon at Vincent John Cabato na pawang mga construction workers, kapatid niyang si Myra Cabato, at ang driver ng truck na si Octavio Apolinar.

Ayon kay Police Regional Office – Eastern Visayas spokesperson Chief Ins. Bella Retuaya, pag-aari nina Pelardon at Cabato ang mga bahay na inararo ng nasabing truck, na pag-aari naman ng isang Jesus Canonigo.

Aniya, galing sa bayan ng Basey ang nasabing truck na patungo sana sa San Jose para mag-deliver ng buhangin at graba.

Nangyari ang aksidente nang mawalan ng preno ang truck habang mina-maniobra ni Apolinar ang pababa na daan sa Sitio Purok 1.

Nawalan ng kontrol ang nasabing truck at napaliko sa gilid ng daan kung saan nito naararo ang dalawang bahay.

Dinala sa Samar Provincial Hospital ang mga sugatan, at sinagot naman ng may-ari ng truck ang mga gastusin sa pagpapagamot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.