Ito ang nilalaman ng memorandum of agreement na pinirmahan sa pagitan nina MIAA Gen. Manager Eddie Montreal at LTFRB Chairman Martin Delgra III.
Ayon kay Delgra, ang mga mahuhuling driver ng colorum na sasakyan ay pagmumultahin na ng P120,000 mula sa dating P1,000.
Dagdag naman ni Monreal, maglalagay sila ng impounding area ng mga colorum vehicles sa dating Nayong Filipino.
Ngunit binanggit din ni Delgra na maging ang mga nag-aalok ng ‘Hatid Airport Service’ ay sakop din ng kampaniya.
Samantala, may apela naman ang ilang taxi drivers na pumipila sa airport sa mga kapwa nila na talikuran na ang maling diskarte sa pagbiyahe.
Panawagan pa rin ng awtoridad sa publiko, tangkilikin lang ang mga taxi na nakapila sa airport at huwag makikipagkasundo sa mga nag-aalok ng serbisyo gamit ang pribadong sasakyan.