MIAA at LTFRB, magtutulungan vs abusadong taxi drivers

By Jan Escosio August 09, 2017 - 04:08 AM

 

Dahil sa kaliwa’t-kanang reklamo at hindi magandang karanasan ng mga pasahero sa mga airport taxi driver na kumakalat sa social media, nagsanib-puwersa ang Manila International Airport Authority at LTFRB para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas trapiko sa mga paliparan.

Ito ang nilalaman ng memorandum of agreement na pinirmahan sa pagitan nina MIAA Gen. Manager Eddie Montreal at LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Ayon kay Delgra, ang mga mahuhuling driver ng colorum na sasakyan ay pagmumultahin na ng P120,000 mula sa dating P1,000.

Dagdag naman ni Monreal, maglalagay sila ng impounding area ng mga colorum vehicles sa dating Nayong Filipino.

Ngunit binanggit din ni Delgra na maging ang mga nag-aalok ng ‘Hatid Airport Service’ ay sakop din ng kampaniya.

Samantala, may apela naman ang ilang taxi drivers na pumipila sa airport sa mga kapwa nila na talikuran na ang maling diskarte sa pagbiyahe.

Panawagan pa rin ng awtoridad sa publiko, tangkilikin lang ang mga taxi na nakapila sa airport at huwag makikipagkasundo sa mga nag-aalok ng serbisyo gamit ang pribadong sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.