Pagtulong ng Amerika sa paglulunsad ng airstrike laban sa mga terorista, itinanggi ng DND

 

FILE PHOTO | MQ-1C Gray Eagle UAS (theaviationist.com)

Pinabulaanan ng Department of National Defense na mayroong pag- uusap ang Pilipinas at ang Amerika para gumamit ng US drones laban sa Daesh-inspired terrorist groups na nasa basna.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Shief of Staff Eduardo Año, wala aniyang ginawang pakikipag-usap si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Amerika para hilingin ang kanilang tulong sa pagsasagawa ng airstrike laban sa mga terorista.

Malinaw din aniya ang nasaad sa Mutual Defense Treaty na maari lamang magbigay ang Amerika ng tulong sa aspetong teknikal at training pero hindi ang aktuwal na operasyon.

Maaari lamang aniyang magkaroon ng ‘direct military action’ ang Amerika kapag mayroong ‘actual foreign invasion’ mula sa ibang bansa.

Sa ngayon ayon kay Año, walang pormal na komunikasyon ang Pilipinas at Amerika ukol dito.

Gayunman, ipinagpapasalamat pa rin ng DND ang mga tulong na iniaabot ng Amerika lalo’t ang terorismo ay pandaigdigang problema.

Una rito, pinag aaralan na umano ng pentagon na payagan ang US military na magsagawa ng airstrike laban sa mga terorista na nasa Pilipinas.

Read more...