Publiko binalaan ng FDA sa mga hindi rehistradong produkto
Binabalaan ng FDA ang publiko sa pagbili ng ilang mga produktong na hindi rehistrado sa naturang ahensya.
Ayon sa FDA Advisory No. 2017-226, ipinagbabawal ng ahensya na bilhin ang:
Dan Cel Purified Drinking Water
Chinese Garlic Pearles
Carica Lagundi Capsule
NuWhite Advanced Whitening
L-Glutathione Collagen & Placenta Food Supplement Encore Premium Chili Powder Dream and Love Pumpkin Candy Beksul Wheat Flour
Premium Quality Flour
Dong Won Tuna with Korean BBQ Sauce
Crown Choco
Heim Choco Hazelnut
Ottogi Vegetable Cream Soup
Ottogi Mushroom Cream Soup
Ottogi Beef Cream Soup
Sa ilalim naman ng FDA Advisory No. 2017-227, ipinagbabawal ng FDA ang pagbili sa mga sumusunod na food products at food supplements:
Beskul Flavored Salt
Nature Made B12 Vitamin 1000
Dietary Supplement
AGV Panacea Ion Care Eye Drops
Health Source Melatonin Softgel
Green Bee Green Tea Food Supplement (Camelia Sinesis)
Green Bee Guyabano Tea (Anona muricata)
Food Supplement ELYACON Herbal Tea 100 %
Organic Food Supplement Lemon, 200ml
Sauce in Japanese Characters 250 ml Maruha Nichiro Oyako Don Calpis Water
Ayon sa ahensya, matapos ang kanilang isinagawang post-marketing surveillance, napagalaman na ang mga naturang produkto ay hindi dumaan sa registration process at hindi binigyan ng kaukulang authorization o Certificate of Product Registration.
Ipinagbabawal sa ilalim ng RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 ang paggawa, pagbenta, pag-import at export ng mga produktong hindi rehistrado sa FDA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.