Paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani pinagtibay ng SC

By Ricky Brozas August 08, 2017 - 04:44 PM

Inquirer file photo

Pinal nang nagpasya ang Korte Suprema sa petisyong muling hukayin ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Nakasaad sa desisyon ng Kataas-taasang hukuman na isinulat ni Justice Diosdado Peralta, mayorya ng mga mahistrado ng SC ang nagbasura sa hirit ng grupo nina Albay Rep. Edcel Lagman, Loretta Ann Rosales, dating Human Rights Chairman; dating Sen. Heherson Alvarez; Zaira Patricia Baniaga; Algamar Latiph; at Sen. Leila De Lima na hukayin ang mga labi ng dating Pangulo.

Kasamang ibinasura ng SC ang motion for reconsideration ng mga petitioner na naniniwalang hindi dapat inilibing sa LNMB si Marcos.

Nauna nang sinabi ng mga petitioners na hindi dapat sa LNMB inilibing si Marcos dahil pagsaula umano ito sa ala-ala ng mga tunay na bayani ng bansa.

Partikular na ipinunto ng grupo ni Lagman ang pagkakasangkot ng dating lider sa maraming kaso ng human rights violations at pagpatay noong siya pa ang pangulo ng bansa.

TAGS: lagman, libingan ng mga bayani, Marcos, Supreme Court, lagman, libingan ng mga bayani, Marcos, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.