Kamara duda sa integridad ng mga expose’ ni Mark Taguba sa BOC

Inquirer photo

Pag-aaralan ng Kamara ang pabago-bagong pahayag ng Customs broker na si Mark Taguba sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs.

Ayon kay Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, Chairman ng House Committee on Ways and Means na nag-iimbestiga rin sa P6.4 Billion na halaga ng shabu na lumusot sa Bureau of Customs na titingnan nila ang inconsistency sa mga naging rebelasyon nito.

Sinabi ni Cua na maaring maging batayan ng pagbawi ng legislative immunity ni Taguba ang pabago-bagong isip nito.

Dapat din anyang pag-aralan ang nilalaman ng papel na ibinigay ni Taguba sa kamara na naglalaman ng mga pangalan ng nakikinabang sa kanya bukod pa sa mga pinangalanan nito sa pagdinig.

Kagabi, kumambyo si Taguba sa ginawang pagbanggit ng mga pangalan ng opisyal ng Customs dahil naituro lamang niya ang mga pinuno ng mga opisina na mayroong kumukuha ng tara sa kanya.

Read more...