Ill-gotten wealth ni Bautista kakalkalin ng Kamara
Inaasahang mauungkat sa pagharap ni Comelec Chairman Andres Bautista sa House Committee on Suffrage and Electoral Reform ang mga sinasabing tagong yaman nito.
Ayon kay Cibac Rep. Sherwyn Tugna, Chairman ng komite na tiyak na malaking bahagi ng diskusyon ay tututok sa isiniwalat ng maybahay nito na mga ill gotten wealth ng opisyal.
Sinabi ni Tugna na bibigyan ng pagpapataon ng kanyang komite ang pinuno ng Comelec na sagutin ang mga akusasyon sa kanya at ipaliwanag ang kanyang panig sa mga kongresista.
Nanawagan din ang mambabatas sa publiko na huwag kaagad husgahan si Bautista.
Si Bautista ay haharap sa Lunes sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms para sa pagpapaliban ng Barangay at SK elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.