WATCH: Dalawang magkahiwalay na aksidente naganap sa QC; apat ang sugatan

Hindi naging maganda ang salubong ng umaga sa mga motorista sa Quezon City makaraan silang salubungin ng dalawang magkahiwalay na aksidente.

Bago mag alas sais ng umaga ng Martes, bumangga sa isang back hoe ang isang Toyota Vios.

Naganap ang aksidente sa harapan lamang ng bakuran ng Trinity College sa E. Rodriguez Avenue.

Apat ang nasugatan sa nasabing aksidente.

Samantala, bago mag-alas 7:00 ng umaga tumagilid ang closed van na may kargang ice cubes sa northbound ng Quezon Avenue.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

 

 

Read more...