Bata, patay matapos malunod sa estero sa Paco, Maynila

By Cyrille Cupino August 08, 2017 - 11:51 AM

Patay ang isang 11-anyos na bata matapos mahulog sa isang estero sa Paco, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Rvin Dequiro, isang special child na may ‘autism’, na nalunod sa Estero de Concordia.

Ayon sa ilang mga residente sa lugar, nakita nila ang bata na tumatakbo malapit lamang sa estero, pero pinauwi rin ito ng kanyang ina.

Hindi alam ng mga natutulog na kamag-anak ng biktima na muling nakalabas ang bata at pumunta sa kanilang kapitbahay.

Nakita umano ng isang Antonio Ballester ang biktima sa kanilang likod-bahay na hinihimas ang kanyang alagang manok.

Dito na umano muling nagtata-takbo ang bata sa direksyon ng estero.

Makalipas ang ilang oras, hinanap na nila ang nawawalang biktima at natagpuan na palutang-lutang na sa estero.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead-on-arrival.

Ayon sa ina ng biktima, madalas talagang tumatakas at tumatakbo palabas ng bahay ang kanyang anak.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Division sa naturang insidente.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Estero de Paco, manila, metro news, MPD, Estero de Paco, manila, metro news, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.